Entry: Dearest Beloved May 23, 2008



naaalala mo ba nung sinabi ko kay rovel na madali lang matutong magmahal? nagkamali pala ako. dapat pala ang sinabi ko, madaling lokohin ang sarili at paniwalaan ang sarili mo na mahal mo nga siya. kahit hindi talaga. dahil ang puso mo ay pagmamay-ari pa rin ng iba.

sana mapatawad mo ko kapag nalaman mo na ang mga ito. sana mapatawad mo ko kapag napag-desisyunan ko nang sabihin sa iyo. kung sakaling mapag-desisyonan ko nga. ayoko naman talagang saktan ka. akala ko talaga, mahal na kita.

mahal naman talaga kita. mahal na mahal. pero ang problema lang talaga, mas mahal ko siya. siguro dahil nauna siyang dumating sa buhay ko. siguro dahil hindi siya magiging akin kahit kailan.

ayokong saktan ka kaya hindi ko sinasabi ang mga ito sa'yo. ayokong masaktan ka, pero kapag dumating ang panahon na kailangan na talaga, sana talaga mapatawad mo ko. dahil kung hindi lang naiwan sa kanya ang puso ko, ibibigay ko yun ng buo sa'yo.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments